|
Tuesday, 04 April 2006 |
PGMA's Remarks during a Fiest Picnic in Mapandan, Pangasinan on the eve of her 59th Birthday and in celebration of the town's fiesta Tuesday, April 04, 2006 Mapandan People's Park, Mapandan, Pangasinan Thank you. Maraming salamat. Maraming salamat, Ferdie sa iyong napakagandang pagbati sa akin. And to you and to all the people of Mapandan, happy fiesta! Ed sikayon amin. Gusto ko rin batiin ang ibat-ibang mga napakaimportanteng mga official na narito ngayon: ang first lady ng ating kongreso, si Ma'am Gina de Venecia; kasama ko ngayon siyempre ang namumuno ng ating probinsiya, si Governor Agbayani at saka si Vice Governor Lambino at ang dami- daming ibang mga mayor na narito ngayon sa buong lalawigan ng Pangasinan; ang ating congressman sa distrito, si Congressman Tulagan. at binalita ni Congressman Tulagan sa akin na not only did Mapandan give me 70 percent of the vote in the 2004 election, sa initiative 60 percent of the voters ang nagpirma ng people's initiative -- pinakamataas sa Pangasinan. congratulations! At ako ay nasisiyahan na narito nga muli gaya nang sabi ni Ferdie, 1993 pa, about the same day as today, namiesta rin ako. You made me your adopted daughter and you've treated me like a daughter ever since kaya ako ay nagpapasalamat. I remember nung 2004 namiesta rin ako rito, and I'm glad to see... Nuon nagbigay ako ng police car, ngayon hindi lang police car police station. and thanks also to General Lomibao, isa pang anak ng Pangasinan na siya ang namumuno sa ating police ngayon. And speaking of chief of police kasama ko rin yung dating chief of police na siya ngayon ay secretary ng Public Works at yan ay si General Ebdane. At siyempre binabati ko rin yung ama ng ama ng Mapandan at yung anak nung gumawa sa aking adopted daughter ng Mapandan, si General Calimlim na napakalaki ang tulong sa akin sa SBMA. Ang dami nating dapat pasalamatan dito lalo na ang ganda-ganda na nitong inyong park, bago ito. Ginagawa pa ito nung nagpunta ako rito nung 2004, ngayon ang ganda-ganda. At ang daming balikbayan na pumunta ngayon dito sa fiestang ito. Ay! By the way, batiin ko rin isa pang importanteng taga- Pangasinan, ang namumuno ng ating immigration, si Al Fernandez. at saka ang member of the Board ng Land Bank, si Albert Balingit, tiga- Pangasinan din. Dapat magpasalamat din tayo sa Panginoon because today Al Fernandez ends his one-month sick leave, magpasalamat tayo. nagkaron siya ng slight stroke, pinilit ko siya, "Al, kay gusto mo o hindi one month ka magle-leave." Pero time flies, nandito na siya uli reporting for duty. First day of work namiesta dito, nakipag-picnic sa Mapandan. Ang dami talagang dapat pasalamatan, nabanggit ko yung mga balikbayan. I think 200 balikbayans came today. Naalala ko nga nung nagbisita ako kay late Mayor Calimlim nung... Gabi yon, gabi yung fiesta at sabi nga niya maraming mga Mapandan ay balikbayan. At nung panahong yon pati si General Calimlim OFW. He was the Defense Attache in Washington. Ngayon, nagpapasalamat ako sa mga balikbayan ng Mapandan at through you, sa lahat ng mga OFW natin dahil you have sent record remittances to our country, 11 billion dollars. Kaya ang lakas-lakas ng ating piso dahil sa inyo. And I would like to let you know na dahil sa liderato rin naman ni Speaker De Venecia at saka yung ating mga congressman gaya ni Congressman Tulagan, marami tayong mga taxes ngayon kaya mapopondohan natin yung Postal Bank with one billion pesos para maging Overseas Filipino Bank. So that you can send your remittances through the post offices of other countries through that Postal Bank to the post offices in the Philippines kaya bababa nang bababa ang cost of remittance ninyo. Kaya siguro kung mangyari yon ay lalong marami pa kayong mapapadala dito. Alam niyo para magawa natin ito para makapag-negotiate sa ibat-ibang mga post office sa buong mundo kung nasaan marami ang Filipino at para mapondohan natin yung makinarya, yung mga computerization and lahat-lahat, at saka yung palakas ng bangko para you will feel safe in putting your deposit there to be sent to your families nadagdagan natin ng one billion pesos ang capitalization ng Postal Bank. Salamat sa ating mga economic reforms. At dito rin ay dahil kayo ay maraming mga bata, malalaki ang mga pamilya, ang hinahanap ng mga pamilya ay kalusugan. And as part of our fiesta picnic merong 1,500 na PhilHealth cards that will be coming after holy week para sa mga mahihirap dito sa Mapandan. So, thank you so much once again for your constant support to me since 1993 at sama-sama tayong ipaunlad natin ang ating minamahal na bansang Pilipinas. Balbaleg ya salamat ed sikayon amin tan santos ya fiesta.
|
|